Saturday, January 7, 2012

Idadaan Ko Na Lang Sa Pagba-BLOG!

Hi everyone,

Ako si "THE DISCREET FOX" (hindi ako ang nasa larawan) isang professional na takot na ilantad sa mundo ang tunay na pagkatao.  Nasa mid 20's pa lang ako at nananatiling binata, nagkaroon ng ilang seryosong relationship sa opposite sex pero mukhang di talaga yun ang linya ko.  Masaya ako sa trabaho ko at satisfied ako sa salary ko pero di ko alam kung bakit hanggang ngayon di ko magawang masaya para sa sarili ko.  Hindi ko kayang palagi na lang nagtatago dahil napakahirap at siguro marahil na rin sa antas ng kinatatayuan ko ngayon e mataas ang expectations sa akin ng aking mga magulang at kapatid.  Kaya heto ako ngayon nagpapaka-discreet na lang, mahirap man pero paminsan minsan nairaraos ko rin ang mga araw at gabi na nasasatisfy ang libog ko pag nakakaramdam ako nito.  Di ko kaya ikwento ito sa mga kaibigan ko, kaya sa blog ko na'to umaasa akong makakahanap ng mga taong makakaunawa sa akin at sa aking mga kwento, lahat ng mga karanasan ko, masaya, matamis, mahapdi o mapait man ang mga ito --- idadaan ko na lang sa blog na ito.

MARAMING Salamat Po!

No comments:

Post a Comment