Saturday, January 7, 2012

Boylet Service Crew

I attended the anticipated mass ng Feast of Christ the King kanina para di ko kailangang gumising nga maaga bukas para magsimba, late ako nakarating ng simbahan at di ako nakahanap ng magandang pwesto para makaupo, gusto ko kasi e nasa isle ako.  Pero okay na rin sa napuwestuhan ko kasi may mga babaeng college students na malapit sa akin at halatang nagpapa-cute dahil ngumingiti sila pag napapalingon ako sa kanila, kaya nung dumating ang part ng 'peace be with you' binati ko sila lahat. Hehe. Mahilig talaga ako magpakilig at magpacute.

Heniwey, di tungkol dyan ang blog ko ngayon.  Tungkol ito sa boylet na service crew slash delivery boy slash dine-in supervisor ng isang fast food chain sa dating town na naassign ako.  Di naman sya matangkad, siguro 5'4" lang ang height, medyo maputi, skinny at napakaamo ng mukha.  May mas gwapo pa sa kanya na workmate nya dun sa fast food chain na yun pero para sa akin mas yummy sya.

Naaalala ko nung unang beses ako pumunta sa restaurant nila, siya ang nakaassign sa dining area, sya nagaasikaso ng mga customers.  He looks very neat talaga at laging naka-smile, tangos pa ng ilong at ganda ng labi.  Bagay na bagay sa kanya ang uniform niyang light green na polo, brown na pants at cap at dark green na apron.

Mula noon lagi ko na sya hinahanap at pinagmamasdan sa tuwing kakain ako sa restaurant kung saan sya nagwowork. 

Pagtapos ng misa dumaan muna ako sa plaza upang magpahangin at tumambay sa tindahan ng mga isaw, lugaw, etc. pero di ako kumakain ng mga yun, kaibigan ko lang yung mga tindera, takot kasi ako magka-hepatitis at tuberculosis e, hehehe.  Ipinakilala sa akin ng kakwentuhan kong tindera ang kanyang kapatid na nakatambay din doon, na umuwi daw ito dahil death anniversary ng nanay nila.  Laking gulat ko dahil siya pala si boylet service crew.  Nagulat pa ako at nagtanong kung seryoso bang magkapatid sila.

Hindi ko kasi ni kailan man maiisip na magkapatid sila dahil malayo ang hitsura.  Napagalaman ko na lang na bunso pala nila si boylet.  Nagobserve ako ng pasimple at oo nga may hawig kahit papaano, pero super slight lang talaga.

I greeted him 'Ui musta, tag-rito ka pala.'  then he replied 'Opo sir, dito ka na po pala ngayon?!'
'A oo, months ago na, kisig mo ngayon ah mukhang chicboy talaga.' sagot ko.

Ngumiti sya at nakipag-apir sa akin.  Nakipagkwentuhan ulit ako sa kapatid nyang tindera samantalang nakipagkamustahan na rin sya sa mga kabataang dumadaan na kakilala nya.  Then he said sa ate nya na 'Ate minsan imbitahan mo si sir sa bahay para makapasyal man lang.' Palakpak tenga ko dun pero di pde magpahalata. Hahaha, i gestured na inom kami ng beer sa malapit na beerhouse na alam ko pero he said na 3 days na syang masama ang pakiramdam so i didnt insist na rin. 

Pramis gustong gusto ko sya iuwi kanina kasi kahit balot na balot sya ng jacket na suot nya at maghapong nagpawis dahil daw sa motorsiklo e mukha pa rin syang mabango. 

In short, di ko sya nakuha ngayong gabi, e may sakit yung tao e, concern ako sa health nya.  Ayoko ubusin ang natitira pa nyang lakas, kailangan nya yun para makarecover sa masamang pakiramdam nya. Pero pasasaan ba't maiuuwi ko din sya, sana nga lang e open sya sa mga ganitong bagay, sana mapagbigay sya.

2 comments: